Final Chapter “Love hurts. There is nothing as painful as heartbreak. But in order to learn to love again, you must learn to trust again.” KRISTINE HINDI ko na ibinenta ang bahay ko sa Calle Adonis. May buyer na noon at bagong mag-asawa ang sana ay bibili. Ayon kay Myra, bago sila lumipat ng anak niya sa bayan, ay labis na ikinahinayang ng buyer ang pag-urong ko sa pagbebenta ng bahay ko. Pero hindi ko naman iyon pinagsisihan. Umuwi ako ng Calle Adonis matapos kong dumaan sa bahay. Isang buong araw kong pinag-isipan ang bagay na ito at napagtanto kong pagsisisihan ko ang lahat kung hindi ko susubukang bumalik at ibalik ang lahat sa akin. Kaya naman matapos ang anim na buwang misyon ko ay nagdesisyon akong bumalik sa Calle Adonis kung saan nagsimula ang lahat.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books