Chapter Thirty Nine KRISTINE Kung darating ka, Mas masaya. Ngunit sana sa pagdating mo ay pwede na, At sana pwede pa. Pero kung di na talaga Tatanggapin ko na. Ginamit niya pa ang tula ko para paiyakin ako. Naunawaan ko ang lahat ng sinabi niya. Tagos na tagos sa puso at damdamin ko. “Siguro ganon na lang muna tayo,” nang simulant niyang magpaalam ay labis na naghinagpis ang damdamin ko. Hindi mapakali ang mga paa ko at ang mga kamay ko ay hindi ko maikilos. Lumingon siya sa akin at pinilit ko pa ring lumingon sa kanya. Kahit na alam kong masasaktan ako sa mga susunod niya pang sasabihin ay kailangan kong magpakatatag. Madilim na ang paligid at tanging ilaw sa may park lang ang naging tanglaw sa aming pag-uusap. May mga iilang dumaraan din naman