Chapter Thirty Eight KRISTINE PAGKABABA ko ng tawag ni Fernandez ay hindi ko na rin talaga alam kung anong gagawin ko at kung saan ako unang pupunta. Kasalukuyan nang tinutugis nina COP Lakandula ang mga kasamahan ng mga sindikato at malakas ang kutob ko nab aka nandoon si Macario. Pero biglang tumawag si Fernandez at pinapupunta na ako kaagad sa hospital at sa boses niya ay dinig ko ang kakaibang damdamin na nakapagpatayo ng balahibo ko. Kaya naman, natagpuan ko na lang ang sarili ko na patakbong nagtungo sa San Joaquin Medical Center dahil ilang metro lamang ang layo nito mula sa headquarters namin. Mas bumibilis ang pagkabog ng dibdib ko habang papalapit ako sa kwarto ni Deb. Hindi ko alam pero may kakaiba akong nararamdaman. Pagbukas ko ng pintuan ay ganon pa rin si Deb. Hindi