Chapter Thirty Seven KRISTINE “NASAAN ka na Macario?” naiinis na ako sa sarili ko habang naghahanap sa kanya. Sinuyod ko na talaga ang buong paligid pero hindi ko siya matagpuan maging ang mga kasamahan niya. “Boss, clear. Wala na sila dito. At wala rin si Tacipit. Kaya malamang ay kasama niya ang mga sindikato,” maya maya ay lumabas mula sa likod ng entablado si Galvez. “Boss, may nasagap akong signal mula sa GPS ni Tacipit. Binabaybay nila ang daan ng Mc Arthur Hi-way. Sa palagay ko palabas ito ng San Joaquin,” sabi naman ni Velasco ang IT expert sa aming grupo. “Good. Sinadya niyang sumama para malaman natin ang kanilang kuta. Magreport na kaagad sa PNP for back up at susunod tayo sa lugar na hihintuan ng GPS niya,” sabad ni COP Lakandula. “Yes boss,” “Move,” sigaw ni COP Lakandu