Chapter Thirty Six MACKY BAKIT kaya may mga taong nananatiling nagmamahal sa kabila ng katotohanang sinasaktan na nga sila ay dinudurog pa ng taong minamahal nila? Tinatawag silang martir, tanga at kadalasan ay bobo. Masama nga bang magmahal ng sobra at totoo? Sabi nila, lahat daw ng sobra ay masama. Pero sa pag-ibig, kung hindi mo kasi ibibigay yung sobra ay baka maghanap ng iba. Akon a nga, higit pa sa sobra ang ibinigay ko, hindi pa rin ako magawang piliin. Pero hindi naman pare-parehas. May mga taong gusto lang ay yung sapat. Yun bang, okay na sila sa kaunting affection. Iba-iba ang dahilan kung bakit may naiiwan at nang-iwan. May naiiwan dahil hindi pa sapat ang lahat para sa isa, may naiiwan dahil wala na siyang kwenta para piliin pa, at may naiiwan kahit na ang totoo ay w