DEINA Isang linggo na lang at magno-Nobyembre na. Excited ang lahat sa nalalapit na field trip s***h spooky party na gaganapin sa Baguio. Expected nang walang teacher na papasok sa amin, kung mayroon man ay siguro isa o dalawa, iyong mga totoong dedicated sa kanilang trabaho. Kasalukuyan kasi silang nagme-meeting kasama ang head ng school upang pag-usapan ang mga lugar na pupuntahan namin. Isa pa lang kasi iyong sigurado na mapupuntahan namin at iyon ang Laperal white house na last year pa sina-suggest ng mga mag-aaral. Mabuti nga't pumayag ngayon dahil last narin naman namin ito. Baka masapak na sila kapag hindi nila pinagbigyan, hahahaha! Charot lang. "Papasok daw ngayon si Mrs. Vanessa, magsiayos kayo ng upo," balita ni Aariyah na kakapasok lang dala-dala ang gamit ng Filipino teacher

