DEINA "Sigurado ka bang hindi tayo mapapagalitan ng nanay mo? ang sama ng tingin niya sa akin," sabi ko kay Kristoffer habang nandito kami sa loob ng kaniyang silid. "Hindi iyon, takot niya lang. Magpahinga ka na. Masakit pa rin ba ang ulo mo?" nag-aalala niyang tanong sa akin. "Kaunti na lang naman," sagot ko sa kaniya. "Kukuhaan kita ng pagkain sa ibaba, or kung may gusto kang ipaluto, sabihin mo lang para masabi ko kay manang," sabi niya sa akin. Kanina pa sa haplos itong si Kristoffer sa buhok ko, fetish niya ba iyan? Charot. Hahahahah! Kinikilig ako putangina, bakit ganito! "De ayos lang kahit ano, nakakahiya naman," sagot ko. "Bakit ka mahihiya? Sabihin mo na, baka may pagkain ka na gustong kainin. Pizza, burger? Name it." Wow, yabang! Siya na ang mayaman, walanjo siya. "Hindi a

