ALFRED "Anong balita ro'n sa kapatid mo, Fred? Lalayas na ba sa mansyon niyo, ha? Kailan? Nang makatambay na kami sa inyo." "Ewan. Sabi ni mom sa susunod na Linggo raw. Kaso hindi pumapayag iyong tatay niya... pero di ko na pinoproblema iyon dahil sa huli'y hindi niya rin mapipigilan ang kaniyang anak. Sa tigas ba naman ng bungo no'n," sagot ko kay Bogart. "Nice. Pero kailan ba tayo dadalaw ulit sa St. Emilion, ha? Kating-kati na akong makaganti sa babaeng tumulong kay Kristoffer. Dahil sa kaniya kaya tayo napahiya at aparusahan ng isang Linggo." "Buti ka nga iyan lang ang hinanakit mo. Ako nawalan ng future wife dahil sa pangegealam ng babaeng iyon!" Lahat kami'y napatingin kay Ralph dahil ang lakas ng boses nito. "Nakipaghiwalay sa iyo si Layla?" hindi makapaniwalang tanong ko. M

