"ONE, two, three, clear!" Habang nakaluhod ang mga tuhod ng mga kaibigan ni Deina sa loob ng simbahan ng hospital, kalmadong ginagawa ng mga manggagamot ang kanilang trabaho upang hindi na mapunta pa sa delikadong estado ang dalaga. Kalahating bag ng dugo ang tinatayang nawala kay Deina, na maaaring magdulot ng pagkalagay ng kaniyang buhay sa bingit ng kamatayan. Mapalad pa't naidala kaagad sa hospital si Deina dahil segundo na lamang ang bibilangin bago ito tuluyang mamaalam sa mundo. "Vital signs are now stable, Doc." "Good job, everyone, pero hindi tayo pwedeng makampante. Maaari pa ring bumaba ang lebel ng kaniyang dugo, dahilan para tumigil ulit ang kaniyang puso. Kailangan pa ring i-monitor ang pasyente. Samahan niyo na rin ng dasal dahil hindi biro ang kaso ng dalagang ito. Gawi

