XYRILLE "Anong gagawin natin ngayon? Susundin ba natin ang iniutos ni Kristoffer? Mukhang seryoso siyang itapon ang mga gamit mo," sabi ni Max. "No way! Mamahalin ang mga iyan! Ang iba pa ay galing sa ibang bansa," inis kong tugon. Hinawi ko paatras ang aking buhok dahil sa sobrang inis. "Pero paano po kapag napagalitan tayo ni Kristoffer? Paniguradong madadamay po kami sa parusa niya." "Edi madamay kayo! Ano iyon? Ako lang ang inaaaahan niyong mapaparusahan?" "Ay hindi po kami papayag doon. Kami na ang magtatapon nitong mga gamit niyo." "Subukan mo't malilintikan ka sa akin!" gigil kong wika bago mabaling ang atensyon ko sa pinto. Lumagapak kasi ito kaya sobra iyong ingay. "Anong ginagawa mo rito?" nagtataka kong tanong noong makita si Eirine. "Para turuan ka ng leksyong bwesit ka

