KRISTOFFER 24 minutes bago mag-alas tres ng hapon. Nagpaalam ako kay Eirine na tatambay muna ako sa RCCR, iyon ang club room para sa royalty council. Dahil hindi na ako parte ng TM4, wala na akong karapatang tumambay roon. Kahit pa man sabihin na pwede pa rin kahit palihim, hindi ko babaliin ang usapan namin ni Eirine. Hindi ko siya bibigyan ng dahilan para mag-doubt siya sa sincerity ko dahil mas mahihirapan akong isagawa ang plano kong paghihiganti sa kaniya kapag naging mahigpit siya sa akin. Anong akala niya pumayag ako nang ganoon-ganoon na lan? Tsss, may balak ako sa kaniya. At para maisagawa iyon, kailangang mapalapit muna ulit ako sa kaniya. Lulunurin ko siya sa kathang-isip na bumalik na kami sa dati... pero ang totoo, dadalhin ko siya sa itaas upang ihulog. Mas mataas, mas mali

