EIRINE "Yes po Lo, she's still alive. Pero... wag na po kayong mag-alala dahil ang sabi naman po ng nurse sa akin ay most likely magkakaroon ng temporary memory lost si Deina. Aabutin daw po ng ilang buwan bago magsimulang bumalik sa kaniya ang mga ala-ala niya." "Ganoon ba? Kailangan pa rin niyang mamatay dahil kapag naalala ka niya at isuplong sa mga pulis--" "Ako na po ang bahala roon. Bumalik na sa akin ang aso ko kaya mayroon nang gagawa noon, Lo. Promise, hindi kayo madadamay rito kaya relax lang kayo, okay? I'll hang up na po dahil may klase pa po ako," pagsisinungaling ko and then ibinaba ko na ang tawag, hindi na hinintay kung may sasabihin pa ito. Ang totoo naririto ako sa loob ng CR. Masyado akong na-haggard dahil ang daming dugong nawala sa akin. Masyadong pumutla ang balat

