YURI Hindi ko mabilang kung ilang beses na akong nagmura habang problemadong nilalamukos ang aking mukha. Hindi ako binigyan ng pagkakataon ni Kristoffer na magpaliwanag. Pagkatapos niyang sabihin ang mapang-amok na mga salita ay pinatayan niya ako ng tawag at mula noon hindi na muli pang sinagot ni Laurianne pati ng iba pa ang tawag ko. "Yuri?" Napalingon ako noong marinig ko ang boses ni Deina. She's awake now, and like me, gulat ang nakaplastar sa kaniyang mukha. "Wow. Am I dead? Bakit naman pati sa kamatayan, may kamukha si Yuri?" "You're stil--" "Joke lang. Anong ginagawa ko rito? Kwarto mo ba ito? Ganda, ah," ani 'ya na para bang hindi niya alintana kung anong nangyari sa kaniya, bakit niya ako kasama. "Ahm, Deina, are you okay?" nag-aalangan kong tanong. Kaagad siyang tumango

