DEINA Ayon na nga inabutan ng kamalasan ang mga bugok. Nawala na rin sa isip ko na pupunta rin ang nanay ko para sunduin ako. Akala ko kasi sina Kristoffer lang, hahays. Oh ngayon, sabay-sabay kaming tameme at nakikinig sa sermon ng aking magulang. "Sino ang salarin? HUmakbang paunahan ng dalawang beses," malamig na utos ng aking ina. Shet, nakakahiya siya. Bakit umaakting siya na siya ang boss dito? Pinagsasamantalahan niya naman ang takot ng mga boklogs, wala siyang awa. "Alis," sabi ko kay Kristoffer para makatayo ako. Tumingin sa akin si mama. Okay, nakuha ko na ang atensyon niya so iisipin niyang ako ang may sala, which is iyon ang plano ko. Iyon ang plano at iyon dapat ang mangyayari ngunit ang pesteng si Yuri, nag-asim... humakbang ng dalawang beses kahit na alam niyang inilili

