KRISTOFFER What is this deep sadness I am feeling habang nakatingin ako sa mukha ni Deina? Masaya naman siya, ngunit hindi ko magawang sabayan ang kanyang ngiti. Para bang may mali... para bang mayroon sa puso ko na nagsasabi na wala akong dapat ikasaya na I should be sad. Hanggang ngayon di ko alam kung ano ang rason kung bakit ganito ako. "Is that genuine?" Naglakas loob na akong tanungin si Deina dahil masyado na akong nababahala. Tiningala niya ako, nakipagsukatan ng tingin sa akin. "Alin?" nagtataka niyang tanong. "Iyang ngiiti mo," sagot ko sa kaniya. Tinawanan niya ako nang malakas kaya naagaw namin ang atensyon ng iba pa. Pati iyong tawa niya parang peke sa mata ko. Ako ba ang may problema o siya? She seems tired and sad and-- And different. "Bakit mo natanong 'yan? Kulang k

