DEINA Ilang minuto pa ba ako maghihintay sa mabahong silid na ito? Ang sakit ng tenga ko mula sa iyak ng toro. Walang tigil ang kaniyang palahaw, kulang na lang magdugo ang tenga ko. Hindi ko na magamit ang cellphone ko dahil itinapon ko na iyon sa dayami. Delikado kasi basa at nanlilimahid ang buo kong katawan sa tae ng hayop sa loob ng barn. Ang dami kong suka, humalo na sa mala-lawang tae. Hindi man ako napuruhan ng toro, mukhang mamamatay ako sa baho, idagdag pa na kulob ang silid dahil nakasara ang bintana't pinto. Gusto kong magmura. Gusto kong sumigaw ngunit kapag ginawa ko iyon paniguradong papasok sa bibig ko ang tae. Nakapikit na nga rin ako ngayon sa takot na baka tumulo rin ito sa mata ko. Dahan-dahan kong inihiga ang aking katawan sa lupa, naghihintay ng himala. Kanina

