Kakatapos lang na mai-announce na after minutes magsisimula na ang laban ng St. Emilion's football team taos ng St. Anne. Wala namang nabanggit tungkol sa pagpapalit ng team captain kasi noong inisa-isa kung sino ang maglalaro, nadoon pa naman sa line up sina Fafa Kristoffer pati na iyong step brother niyang problematic. "Nasaan na ba si Dayday? Inabot na siya ng pasko sa banyo. Dami niya bang ininom na tubig at hindi pa rin tapos umihi?" tanong ko kay Sam habang nakatingin kung nasaan ang CR kala mo naman talaga abot ng paningin. "Kanina ko pa nga iniisip 'yan. Baka ano na naman nangyari ro'n. Alam mo namang kapag hindi siya nakakabalik, may masamang nangyayari," sagot ni Sam na sinang-ayunan ko. "Ano? Sinong tatayo para sundan siya? Ako na lang at ikaw ang magbantay ng upuan natin? Il