DEINA Today is the second day of Interhigh. As usual, hindi na naman mahulugang karayom ang loob ng school sa dami ng tao. "Tingnan natin kung ano ang mga kaganapan na mangyayari ngayong araw dahil ang main event lang ang alam ko," sabi ni Laurianne. Tiningnan niya ang flyer na inabot sa kaniya ng mga kasamahan ni Aariyah sa SESS. Nagrereklamo pa si Sam kanina noong si Laurianne lang ang binigyan. One is to four na raw kasi iyong flyer which is unfair naman doon sa mga loner na walang kasamang papasok sa gate. Tanong ko nga kay Aariyah kanina kung naghihirap na ba ang SEA dahil hindi nila kayang mag-produce ng maraming copies ng flyers, eh napakalaki naman ng budget ng school. "Wow May haunted booth? Sinong org ang nag-organize nito? Punta tayo sa ganito, Dayday," aya ni Lau. Tumaas a