EIRINE Pagkatapos kong malaman ang nangyari kay Kristoffer at sa mga estudyante ng St. Anne, kaagad akong nagtungo sa bahay nina Kristoffer. Nakakainis dahil nasa bahay na ako noong makarating sa akin ang balita. Hindi naman kasi ako nagpaabot ng hapon sa school kanina. Pagkatapos kong kausapin ang tatay ni Kristoffer, sumipat na rin ako kaagad. Kung hindi ako nakaramdam ng p*******t sa aking tiyan ay paniguradong pipilitin kong sikmurain ang boring na interhigh. Inaasahan kong magiging katulad ng dati ang interhigh, iyong ako ang bida... ako ang kinaiinggitan ng lahat dahil walang palyang ibibida ako ni Kristoffer kapag nasa field na siya, naglalaro. Pero ngayon, gumuho ang lahat ng expectation ko because of Deina. Kailangan na talaga niyang lumayas sa school dahil isa siyang malaking