DEINA "Yow, hindi ganoon ang ine-expect namin. Kasi, na-open up na sa amin ni Ma'am Jaz ang mangyayari sa upcoming gala ng St. Emilio. Okay, Baguio nga raw pero iyong pupunta sa mga haunted houses like parang field trip, gago, sinong papayag doon?" gigil na wika ni Sam. Naiintindihan ko siya dahil hindi talaga siya mahilig sa horror. "Everybody will," sagot ni Aariyah. Napatango na lang ako dahil totoo iyon. Sa sobrang go na go ng mga mag-aaral ng St. Emilion, lahat ng magbibigay ng adventure at thrill sa kaluluwa niya ay papalagan nila. "Oh... hindi naman siguro mandatory na sumali sa Haloween keneme? Or okay lang ba kahit magpaiwan na lang sa labas ng haunted house? May mga teacher naman sigurong magbabantay sa labas?" sangguni ni Laurianne na isa rin palang scaredy cat. "Hmm, not