DEINA Wag na wag na wag lang magpakita sa akin si Laurianne ngayong araw dahil kapag nakita ko siya, hindi ako magdadalawang-isip na ingudngod ang mukha niya sa lupa. "Sam, kapag pumasok si Lau mamaya, sabihin mo sa kaniya wag magpakita sa akin, hmm? Hindi ako a-attend sa practice, takot lang ni Xyrille na makita ako dahil paniguradong pinatawag na ng guidance ang magulang niya ngayong araw," sabi ko at kapag swerte nga naman ang pinag-uusapan, first time akong pagpalain ng Diyos early in the morning. Nakita ko si Xyrille kasama ang tatay nito, sabay silang naglalakad paniguradong patungo sa... President's office? Bakit doon? "Wooah! Mukhang may bago na namang ido-donate ang pamilya nila sa school na ito. Good for us, right? Hahahaha! Iba talaga kapag mayaman ang mami at dadi! Sana all