WARNING: VIOLENCE *** Bago ang sakuna AARIYAH "Bibilis niyong maglakad! Hooo! Taympers muna't habulin ko lang ang breath ko. Tama ba iyong sentence ko, Aariyah?" tanong ni Lau habang nakakabit ang kamay niya sa braso ko. "Bakit pa kasi kumo-conyo? Taga Manila ka ba, ha? Di bagay, Lau, wag na pilitin ang sarili," sabat ni Sam. Mabuti na lang at siya ang nagsalita dahil di ko alam kung paano ko sasagutin itong si Laurianne. "Conyo ba iyon? Di mo nga alam kung ano meaning ng conyo tapos kung paano mag-conyo! Judger ka talaga!" asik ni Lau, may pairap pa. "Hayys, hindi pa ba ubos ang energy niyong dalawa? Palubog na ang araw, iyong pagtatalo niyong dalawa, di pa rin matapos-tapos. Nasaan si Deina, Laurianne? Di ba kayo ang magkasama?" tanong ko noong siya lang ang nakasunod sa amin. "

