DEINA "So far, gumaganda ang kondisyon mo ija. Kung papayag ang magulang mo, iuusog natin ang operasyon sa mas maagang araw," sabi ng doktor. Pinanliitan ko siya ng mata. "Bakit sa magulang ko lang po kayo hihingi ng permiso? Siya po ba ang ooperahan? Hindi po ba dapat, sa akin po muna kayo magtatanong kung okay lang po sa akin? Paano kung hindi ko gustong magpaopera o di naman hindi ko trip na paagahin niyo ang araw ng operasyon?" mahaba kong lintanya. Hindi sana ako magsasalita dahil wala akong ganang ibuka ang aking bibig, isa pa, lately, drained na drained ang katawan ko, di ko alam kung bakit. Para akong lantutay na gulay simula noong magising ako mula sa mahabang panaginip. Pero di ko na napigilan dahil puro na lang opninyon ni mommy ang kinukuha niya. Di ba nagma-matter sa kaniya

