KRISTOFFER "Hello, fafa Kristoffer," nahihiyang bati ni Laurianne. Siya lang ang nagsalita sa kanilang lima. Sawa na sigurong bumati iyong dalawa dahil pabalik-balik na sila rito. Si Samantha at si Aariyah naman mga walang pakealam 'yan kaya di na ako aasa. "Dami niyo, ah. Ginagawa niyo rito?" bored na tanong ko sa kanila. Nakahilata ako sa higaan ko, tamang nood lang ng horror, di ko na matandaan kung ano ang title. "Ganda naman ng bungad mo, dude. Wag mo namang ipahalata sa amin na ayaw mo kaming makita, hahahaha!" tawang wika ni Ace. "Buti alam mo na ayaw ko kayong makita, bakit pumunta pa rin kayo? Wala ba kayong utak?" "Pffft. Iyan ang kilala kong Kristoffer. Akala ko hindi ko na maririnig ang maaanghang mong banat. Nandito kami para sunduin ka na." Tiningnan ko si Chase tapos bi

