ALAS DOSE impunto, araw ng Linggo. Isang numerong ligaw ang natanggap ni Vanessa, ina ni Eirine. Walanng pag-aalinlangan niya iyong sinagot sa pag-aakalang tauhan niya sa bahay ang kumontak sa kaniya. Ngunit ang akalang iyon ang maghahatid sa kaniya ng labis na takot na kalaunan ay magiging sanhi ng pigghati sa kaniyang dibdib. "Sino ho ito?" Naglakad si Vanessa palayo sa kaniyang anak na mahimbing pa ring natutulog ngunit hindi siya lumabas ng pinto. Nakaharap siya sa bintana ng Hospital, tinatanaw ang magandang ilaw ng mga gusali na animo'y alitaptap ng syudad. "Sino ako? Ako lang naman ang maninigil sa utang ng anak mo. Ang lakas ng loob mong pagtakpan at i-delay ang pagkakakulong niyang mamamatay mong anak? Anong klase kang magulang, ha?" "I-Ikaw ba ang magulang ni Deina? P-Pasensy

