WARNING: GORE ---- "NANINIWALA ka ba sa kasabihang kapag umaalulong ang mga askal ay mayroong mamamatay?" tanong ni Ziggy kay Deina habang nakaupo sila sa likuran ng sasakyan. "Hindi pero sa gabing ito? Siguro maniniwala na ako," walang kabuhay-buhay na sagot ni Deina. "Ha! Talagang dapat kang maniwala dahil ikaw ang mamamaalam. Umiiyak na iyong mga aso sa pagkawala mo. Hindi ba't ang sweet no'n?" "Ahhh... ako ba?" tanong muli ni Deina. Napatingin ito kay Ziggy, nakipagtitigan. "Akala ko kasi ikaw. Ako pala ang mamamaalam?" dugtong nitong tanong sa binata. Muling tinutukan ng baril si Deina, this time sa sentido nakahalik ang bunganga ng baril. "Talagang matapang ang tabas ng dila mo, binibini. Sa tingin mo uubra sa akin iyan? Hahahaha! Alam kong itinatago mo lang ang takot. Wag ka na

