KRISTOFFER Nawindang ang lahat lalo na iyong sampid lang sa bahay noong makita niya akonng umuwi. "What are you doin' here?" nagtatakang tanong no'ng bagong asawa ni dad. Napatayo pa ito't natigil sa paglalaro ng mahjong. Kalaro niya iyong iba niyang kumareng sugarol. Wala ba siyang hiya? Dito pa talaga sa loob ng bahay sila nagsusugal? Alam ba ito ni dad? Nah, alam ba niyang ayaw ni dad sa babaeng manunugal? Hindi ko pinansin iyong tanong niya. Di naman siya importante. Dumire-diretso ako sa paglalakad, umakto na parang hindi siya nakita't narinig. "Kristoffer! Tinatanong kita! Wag kang bastos dyan! Alam ba ng tatay mo na uuwi ka, ha?! Hindi ba't sa katapusa--" Kinalikot ko ang tenga ko na para bang naiirita sa sinasabi niya. Nilingon ko iyong trying hard na kabit with an annoyed fa

