KRISTOFFER After 8 hours na byahe ay nakarating na rin kami sa Bicol. Di ko alam na may sarili pala silang dialect, nagulat na lang ako noong salubungin kami ng tatay ni Laurianne tapos nagsalita nang mabilis tapos di namin maintindihan. Mabuti na lang at nakakaintindi sila ng tagalog at nakakapagtagalog din sila, akala ko hindi dahil malaking problema iyon. "Mano po, tay. Ako po si Ace Villaroel, kaka-19 ko lang po," bati ni Ace. Partida, bagong gising lang ni gunggong dahil madaling araw pa lang. Alas tres pa lang sa relo ko. Nalukot ang noo no'ng tatay ni Laurianne, di ata nagustuhan iyong itsura ni Ace. "Amo adi su sinasabi mo kanako na bata mo, Laurianne? Sabi mo kanako, Pinoy. Unta ta bagana taga-China adi ta singkit baga? (Ito iyong sinasabi mo sa akin na boyfriend mo, Laurianne

