DEINA "Shalaaaaa! Ang ganda mo, Dayday!" masayang bulalas ni Lau habang walang humpay na sinisipat ang katauhan ko. Umikot-ikot pa siya para lang makita ang buong detalye. Sarap sapukin, eh, akala mo hindi kami magkagalit kanina-kanina lang. "Enough, puta! Ako ang nahihilo!" asik ko sabay irap. Natauhan naman si bobitang Lau at tumigil na. Sinipat ko si Sam dahil kanina pa siya gumagawa ng weird na expression. Hindi ko tuloy matukoy kung nagustuhan niya ba ang bago kong ayos o hindi. "Ano? Maganda ba?" pabiro kong tanong. "Two thumbs up. Pati daliri ko sa paa, sumasamba sa iyo, Deina," sagot nito. "Bwesit!" Iyon lang ang naiganti ko dahil masyado nila akong binibiro. "Di ba! Sabi ko sa inyo! Heheheheh! Ewan ko na lang kung hindi matameme ang TM4 kapag nakita kayo," wika ni Aariyah. Anim