Sa ilalim ng buwan may dalawang nilalang. Nagtatawanan, luluwa na ang baga sa labis na kasiyahan. "Bilisan natin, tapusin na ang krimeng ito," wika no'ng isa. Nakasuot ng maskarang nakakatakot, nakakatakot ang susunod na mangyayari dahil mababasag ang ekspektasyon na kanilang binuo sa kanilang isipan. Habang walang awang hinihila ng dalawa ang walang malay ng isang dilag, patuloy ang kanilang pagtawa. Binabagtas ang madilim na pasilyo patungo sa bukana ng impyerno. Noong marating na nila ang kanilang huling hantungan, sinimulan na nila ang balak. Kinuha ang galon ng gas sa kanilang gilid, ibinuhos ang mabahong likido sa kawawang nilalang. Dahil sa tapang ng amoy, bumalik ang kaluluwa ni Deina sa kanyang katawan, iminulat ang mata at namataan ang dalawa na hindi pa rin tumitigil sa gina