"Gago ba kayo? Nagpunta kayo rito para mambugbog, ha?!" galit kong tanong sa kanila habang walang humpay na pinapaulanan ng suntok itong pa-cool s**t. "Hawakan niyo! Ano na!" utos ni Alfred. Mukhang siya ang boss ng kulto niya. HInawakan ko ang kwelyo no'ng lalaking lampa tapos ibinalibag ko sa mga kasamahan niyang mangangahas sanang hawakan ako. "Anong goal mo, ha? Bakit mo ito ginawa sa sarili mong kapatid?" seryoso kong tanong kay Alfred. Nakatapak ang isa kong paa sa kamay no'ng alagad niya para balaan sila na kapag may nagtangka sa kanilang tumayo. Ngumisi ang kupal. Ano? Wag niyang sabihing umurong ang dila niya't hindi siya maksagot. Hindi naman mabigat ang tanong ko sa kaniya. "Baka naman pwede nating pag-usapan 'to, Deina. You know, hindi talaga ako sang-ayon sa relasyon niyo