KRISTOFFER "Yah. Siguraduhin niyong hindi makakarating kay Aariyah 'yan. Alam niyo na magiging buhay niyo kapag pumalpak kayo ngayon," banta ko sa lalaki sa kabilang linya. "Makakaasa ka. No food for Deina Autumn Reyes, at papunta na rin dyan 'yong isa ko pang kasamahan para kunin ang gamit niya." "Good. Sige na. Inaasahan ko na magiging perpekto ang lahat. Bye," paalam ko bago ibaba ang tawag. Ibinulsa ko na ang aking cellphone. Saglit muna akong dumantay sa malaking puno dahil nagsisimula nang mawala ang epekto ng pain reliever na ininom ko. "Sht...kailan ko na uminom ng gamot," bulong ko. Pinakiramdam ko ang aking mga binti, kung kaya ko pa bang maglakad pabalik sa club room dahil nandoon ang bag ko. "Lei? Anong nangyari? Namumutla ka, ah!" nag-aalalang wika ni Ace na kakarating l