KRISTOFFER "Dude tama na! Mamamatay si Deina kapag ipinagpatuloy nila ang kanilang ginagawa!" Tarantang suhestyon ni Ace. Hindi ko siya pinakinggan, ni hindi ko man lang siya binalingan ng mabilis na tingin. 'Yon ang gusto kong mangyari... Ang mawala siya sa mundong ito nang nagsisisi sa kanyang kasalanan. "Tara na. Mukhang hindi ko makikitang magmukhang pancake si--" Hindi ko na naipagpatuloy ang sasabihin ko nang titigan ako nang matalim ni Yuri. What? Wag niyang sabihing ililigtas niya si Deina ngayon? Magpapakabayani ba siya? "Tabi," mariing utos nito sa mukha ko. Gusto kong tumawa nang malakas dahil seryoso nga siyang ililigtas ang looser na iyon. "Paano kung ayaw ko? Papalag ka na? Yuri Maxwell?" mapang-insulto kong tanong. "Hindi ka ba natutuwa sa nakikita mo? She looks miser