DEINA 'Hindi ko nga malaman kung kanino nagmana 'yang bunso ni Marites! Aba tingnan niyo, dumalo-dalo ng party nang puro band aid ang mukha. Balita ko'y laging pinapatawag si Marites sa school niyang anak niya dahil napapasabak lagi sa gulo! Kung ako ang ina ng batang iyan? Naku! Hindi ko titigilang hatawin ng duspordos ang binti nang magtanda!' Tss...lalakas magbulong-bulungan. Wala bang thrill ang buhay nila't mas trip nilang ituon ang kanilang atensyon sa buhay ng ibang tao? "Mawalang galang na po sa inyo, pero masyado po kasing malakas 'yong bulong-bulungan niyo tungkol sa akin. Ang sakit sa tenga. Lalo na't peke 'yong mga salitang lumalabas sa bibig ninyo," patol ko. Nagulat sila noong bigla na lang akong sumulpot sa kanilang harap. Sarap batiin ng, 'surprise motherf*ckers!' "Hmm!