CHAPTER 2.5

2455 Words
DEINA Ako na ata ang pinakamalas na nilalang na nabubuhay rito sa mundo, bwesit! "Oh? Anong nangyari sa mukha mo? Umalis kang mukhang tao tapos pagbalik mo mukhang bruha ka na?" wika ni Kuya Kenneth. Inirapan ko lang siya pagkatapos kong ibalibag ang bag sa upuan. Wala ako sa mood para i-entertain ang kanyang mga tanong, sincere man iyon o solely para inisin ako. Bago pumasok sa aking kwarto, narinig ko pang tinawag niya ang aking pangalan pero hindi na ako nagsayang ng lakas para lingunin siya. Habang isa-isang nahuhulog ang suot ko sa sahig, nakita ko ang aking repleksyon sa salamin na nasa unahan ko lang. Tumambad sa paningin ko ang marungis kong mukha. Buti na lang walking distance lang ang uwian ko, paano kung hindi? Paano kung kailangan kong mag-commute? May magpapasakay kaya sa akin? Or makakasakay kaya ako, eh, mukha akong pulubi, at amoy pulubi rin. "Tsss...bakit pa kasi hindi pa namatay ang Kristoffer Leinard na iyon! 'Yong mukha niya kanina, sarap ingudngod sa sahig! Peste siya!" asik ko habang nakatingin pa rin sa salamin. Padabog kong tinanggal ang salamin na wala namang grado tapos ipinadyak-padyak ang paa para ilabas ang inis. Kaya ako nagsusuot ng fake glasses para magkaroon ng props at i-justify ang pagiging nerd. Para na rin maitago ang dati kong trabaho, ang mambasag ng bungo. Pagkahubad ko nang lahat, tinungo ko kaagad ang banyo at hinayaang lunurin ng malamig na tubig ang aking marumi at malagkit na katawan. "Ano bang problema nila at pinahihirapan nila ako ngayon? Kung pwede lang talagang manakit, dudurugin ko talaga ang mukha ng lalaking 'yon nang wala ng maipagmalaki!" sigaw ko habang kinukuskos ang buo kong katawan. Nakakadiri lang at nakakainis dahil tatlong subjects ang hindi ko pinasukan dahil sa kalagayan ko. Buti na lang talaga at nando'n si Aariyah at pinahiram ako ng damit. 'Yon nga lang, hindi ko rin naman nagamit, dahil sa hindi malamang kadahilanan. Out of order lahat ng washroom, pati CR ng babae! Bwesit lang! Sounds absurd and impossible pero walang imposible sa hari ng SEA. Noong nagtanong ako ng susi, nagmakaawa na ako't lahat, nagkandawala raw. Shuta, magsisinungaling na lang 'yong Janitor ng school, napaka-cheap pa! Halatang hindi pinag-isipan! Pumunta ako sa guard, nagmakaawa rin ako na kung pwede na akong umuwi dahil sa kalagayan ko, pero hindi rin ito pumayag. Nagmatigas siya't ipinagmayabang pa sa akin 'yong batas ng SEA na kapag hindi oras ng uwian, walang makakalabas na estudyante. Pero kapag TM4, syempre hindi tatalab 'yong gano'ng rule. Gigil! Palibhasa, anak ng Dean si Kristoffer kaya napaka-lakas ng loob na mam-bully! Hintayin lang talaga niyang umusbong ang sungay sa ulo ko at magkakaalaman kaming dalawa! "Isa na lang talaga! Malapit nang maputol 'yong pasensya ko! Mahahanap na rin ng Kristoffer na 'yan ang hinahanap niya," nanggigigil na bulong ko. Pagkalipas ng isang oras na paliligo, nagbihis na ako at nagbukas ng sss. Kukumustahin ko 'yong dalawa kong kaibigan kung nasaan na sila dahil simula bukas, makakasama ko na sila sa pagpasok sa SEA. "Huh? Ano to?" takang tnong ko nang maka-receive ako ng notification. Noong tingnan ko iyon, minention lang naman ako ni Kristoffer Leinard. Nanlaki ang aking mga mata, hindi ko pa man pinipindot 'yon para malaman kung bakit niya ako minention, kumakalabog nang bongga ang puso ko. Bubuksan ko ba? Bwesit! Alam kong masamang balita ang bubulaga sa akin, pero-- Bahala na! Noong pindutin ko ang notification, halos lumuwa talaga ang mga mata sa nabasa. Dead list Deina Autumn Reyes, 12-Amethyst. Nag-init ang aking pisngi, pakiramdam ko roon nagtipon-tipon ang dugo sa aking katawan. Ano nang gagawin ko? Ako ang nasa dead list, at solong-solo ko iyon! Siguradong magiging impyerno ang buhay ko sa SEA ngayong taon! Sa pagkakatanda ko ang huling napasama sa dead list ay halos mamatay dahil sa torture na inabot nito sa kamay ng TM4. So, malaki ang posibilidad na danasin ko rin iyon. Kinakabahan ako... Kahit demonyo ako inside, aaminin ko kinikilabutan ako sa maaaring mangyari dahil nagpapaka-lowkey ako at ayaw kong maputol iyon. Ayaw kong mapunta sa akin ang spotlight dahil hindi magandang pangitain iyon. Hindi lang TM4 ang tatapak sa akin kung hindi lahat. At ang malala, hindi ako pwedeng pumalag dahil iyon ang daloy ng tatsulok! Sa limang grupo na mayroon ang St. Emillion Academy, ang pinakamalakas, makapangyarihan at talagang kinakatakutan ng lahat ay ang grupo ng TM4. Pinangungunahan ni Yuri Maxwell. 'Yung lalaki kanina. Tsk, kwela siyang lalaki pero iba ang lakas niya. Isa siya sa mga hinahangaan ko pagdating sa pisikalan. Kapag nagseryoso siya sa laban, magdasal na ang kalaban. Hindi na ako magtataka kung laman siya ng martial art workshop dahil sa galing nito sa pakikipaglaban. Kilalang playboy, mahilig manloko ng babae dahil palibhasa saksakan ng gwapo at yaman. Anak lang naman siya ng nagmamay-ari ng pinakamalaki at pinakasikat na resort sa Pilipinas. Pangalawa sa linya ay ang hari ng St. Emilion na si Kristoffer Leinard Cruz. Anak siya ng Dean ng school at ex ng best friend kong si Eirine Sanchez. Mayaman din ang pamilya nila dahil ang kanyang ina ay kilalang heredera ng naglalakihang mga hacienda sa hilaga. Sa lahat ng mag-aaral sa paaralan, siya lang ang wag na wag mong babanggain dahil nagpaplano ka pa lang na pabagsakin siya, nanganganib na ang buhay mo. Kabahan ang babangga sa kanya dahil may koneksyon ang pamilya nito sa mga taong nagta-trabaho sa underground, o 'yong mga tinatawag na mafia. Pero wala akong paki. Wag lang umabot sa sumbungan sa mga gano'n at walang problema. Kaso isa iyon sa kino-consider ko, kaya kahit namumuro na ang demonyong iyon, nagtitimpi pa rin ako. Gwapo siya. To be honest, siya ang pinaka-gwapong nilalang sa SEA, at aaminin ko iyon. Sino ba naman kasi ang hindi matitiis ang mala-Adonis nitong mukha at pangangatawan? Hindi naman siya hihirangin bilang isa sa mga hinahanggang lalaki hindi lang sa school kung hindi sa buong Maynila dahil sa taglay nitong kagwapuhan. Noong nakaraang taong ginanap ang Intrams, dinagsa ng media at mga talent recruiter ang school dahil isa siya sa mga contestants para sa annual pageant ng school. Of course, siya ang nanalo dahil sinong lalaban sa kanya? Taob lahat ng susubok. 'Yon nga lang, mga baliw ang fans niya. Talagang war freak at mga walang modo, nagmana sa iniidolo nilang daig pa ang yelo sa lamig ng personality. Kala mo naman ginto, tsss... Teka, bakit ko ba masyadong binabanguhan ko ang imahe ni Kristoffer Leinard? Demonyo pa rin ang kumag na iyon, gaano man kaganda ang mukha niya. Ang pangatlong myembro ng TM4 ay nagngangalang Ace Villaruel. Siya lang naman ang laging kasama ni Kristoffer, kumbaga alalay. Kidding aside, napaka-harsh naman no'ng word na alalay. Childhood friends 'yong dalawa. Sa kanilang apat, siya ang pinaka-kwela. Nakuha niya rin ang pagka-playboy ng kanilang Master, at maniwala kayo o hindi, NGSB or no girlfriend since birth ang dakilang Ace ng TM4. Hindi ako sure kung totoo ba ang nasagap kong chika tungkol sa kanya, pero mukhang totoo dahil wala itong scandal sa page ng SEA na may kasamang babae or dine-date. Usually ang balita lang sa kanya ay mga confessions ng girls, at ang pagaparinig niyang sanaol sa mga may jowa. Para siyang ewan. Gusto niyang magkajowa pero ayaw niyang patulan 'yong mga nagkakandarapa sa kanya. Kung sabagay, kung ako ba naman kasing gwapo niya, aba! May karapatan din akong maging choosy! Last but not the least, si Amadeus Chase Dizon. Gwapo. Lahat naman sila saksakan ng gwapo kaya nga maraming nahuhumaling sa kanila. Mayaman at may sariling bar. Kung si Kristoffer ay may Ace, si Yuri naman ay may Chase. Magkababata rin sila at parehong maraming alam na pakulo ang utak. Sila ang usually partners in crime sa lahat ng oras. Pangalawa sa pinakamakapangyarihang grupo sa SEA ay ang St. Emilion Supreme Student. Kahit under nila ang TM4, hindi nila magawang pangunahan at makontrol ang kanilang ginagawa dahil kahit sila ay natatakot sa maaring mangyari. Pinangungunahan ito ni Aariyah Mendoza na isa sa mga kinikilalang face of St.Emilion. Mabait at talagang maaasahan, at isa siya sa mga hindi maismol-ismol ng TM4 dahil nirerespeto rin nila ang posisyon nito sa paaralan at ang kanyang kapangyarihan. Pangatlo naman ang The Royal Council. Syempre ang hari ay walang iba kung hindi si Kristoffer at ang reyna niya ay si Xyrille Rasul. Wala naman akong hinanakit na siya ang pumalit sa trono ni Eirine, dahil bagay naman sila, parehas masama ang ugali. Ang unfair lang, at hindi ko pa rin matanggap na kailangan nilang pahingahin nang matagal si Eirine dahil sa simpleng pakikipagkaibigan sa hindi nito kasing lebel. Walanghiya kasi talagang rule na 'yan! Napaka- bobo lang kahit saang banda ko tingnan! Bukod sa hari at reyna, syempre may prinsipe at prinsesa, pero hindi ko na inalam ang buo nilang pangalan dahil wala naman akong pakialam. Ang concern ko lang naman ay kung sino ang pumalit kay Eirine, 'yon lang. Pang-apat sa grupo ay ang St. Emilion Athletic Group. At syempre, sino pa ba ang pinaka-popular sa grupo? Wala nang iba kung hindi ang TM4. Kinarir talaga nila lahat, swear! Magmula sa kagandahang panlabas, intelektwal, pati sa sports hindi sila nagpapahuli. Sa katunayan, basketball captain si Yuri, kasama niya sa varsity team sina Ace at Chase, samantalang si Kristoffer naman ay sa Football. At ang pinakahuli ay 'yung mga katulad ko. 'Yung mga estudyanteng nabibilang sa LOW CLASS. Kasama ko rito ang mga nerd, anti social, happy go lucky at mga boplaks. Mga hindi biniyayaan ng ganda at 'yung mga tatanga-tanga. Kami 'yung mga nagsisilbing kakatwa at laruan sa mga nakataas. Para kaming hangin sa lipunan pero kapag gusto nila nang libangan kami 'yung pinupuntahan. Nabasag ng isang message ang aking pagbabalik tanaw sa mga grupo na mayroon ang SEA. Pagbukas ko ng notification, nabasa ko ang chat ni Lauriane, isa sa mga kaibigan ko. Day day, thanks for the infos. OTW na kami ni insan and we decided na dyan na magpalipas ng gabi since malapit lang naman ang house niyo sa SEA. Sandaling napawi ang inis na nararamdaman ko nanina at dali-daling nag-type ng reply sa kaniya. Ok. Take care. Text me if malapit na kayo sa subdivision I'll talk to Kuya Kenneth to fetch you. After a couple of seconds, nakatanggap agad ako ng reply mula kay Lau. No need na! Surprise na lang hehehe geh, lowbatt na cellphone ko. See you beshy! Saglit na sumilay ang ngiti saaking labi bago ko i-log out ang sss account ko. After noon, hinanap ko si manang para ipahanda ang guest room sa kabilang kwarto. "Hoy Kuya, dito matutulog mga kaibigan ko. Mag-behave ka, okay? Baka mamaya niyan mabalitaan ko na lang pinopormahan mo ang isa sakanila or worst silang dalawa!" banta ko tapos tinapunan ko pa siya nang unan habang naglalaro sa kanyang cellphone. "Tsk, may Margaux na ako at saka wala akong pake kung may dalhin kang babae rito. Basta sinasabi ko sayo, ha, Deina, magpaka-babae ka! Walang tomboy sa pamilya natin!" malakas na tugon nito. Halos mahulog ang suot kong pyjama dahil sa mga halang na salitang pinakawalan nang bunganga niya. Mabilis akong tumakbo patungo sa kinauupuan ni Kuya at sinunggaban ito. Pinisil ko ang ilong nitong pagkalaki-laki tapos inikot ko pa ang braso nito, sanhi para mahulog ang cell phone niya sa sahig. "Aahhhhh, ano ba Deina lubayan mo ako!" pagsusumamo nito. "Sinong tomboy? Palibhasa under ka ni Ate Margaux! Che!" asik ko bago ito lubayan. "Ma'am, may tao po sa labas," sabat ni manang. Tumakbo kaagad ako palabas ng pinto para salubungin ang dalawa kong kaibigan. Sila lang naman kasi ang darating kaya alam kong sila na 'yun. "Waaah! Dayday! I really missed you, beshy!" agad na tili ni Lauriane tapos mahigpit akong niyakap. Hindi tumagal, nakisali na rin saamin ang pinsan nitong si Sam. "Gosh, hindi na kita makilala!" bulalas ni Sam na pinaikot pa ako para sipatin ang buo kong katawan. "Stop it Samantha Lyh! Pumasok na tayo sa loob, malamok na rin kasi," saway ko. Hila-hila nila 'yung mga maleta nila samantalang ako, kinuha ko 'yung bitbit-bitbit ni Sam na traveller's bag. "Uy Dayday, ayos lang ba talaga na dito muna kami? Baka pagalitan kami ng kuya mo? O kaya ni Tita," mahinang bulong ni Lauriane. Umiling ako bago ko isara ang pinto. "No worries, nakapagpaalam na ako sakanilang dalawa and okay lang naman daw. Mabuti nga 'yun at may makakasama na ako sa St. Emilion dahil nasa stage ako ngayon ng kalbaryo," tugon ko. Diniinan ko pa 'yong huling word para dama nila na I'm in serious danger talaga. "Huh? Bakit Dayday?" usyosong tanong ni Lauriane. I rolled my eyes kasabay noon ang mahinang pagpapakawala ng buntonghininga. "Bukas ko na iku-kwento dahil late na rin naman at saka ayusin muna natin ang mga gamit niyo bago ang chismis, okay? Hindi ka pa rin nagbabago, Lau! Hilig mo pa rin sa sesmes!" asik ko. Ginantihan lang ako ng isang malutong na irap ni Lauriane. "Nadale mo, Dei. Hindi mabubuhay 'yang pinsan ko kapag walang nasasagap na chismis sa isang araw. Kaya wag ka ng magtaka, at masanay na lang," suporta ni Sam. Nagtawanan kaming dalawa habang si Lau ay ibinabalandra ang naiinis na mukha. "Mabulunan sana kayo ng laway, napakasama niyo!" bulalas nito bago padabog na umupo sa kama tapos nagsimula nang buklatin ang kanyang maleta't ilabas ang mga gamit. "Hay!" bigla kong sigaw bago humilata. "Hoy! Dayday, ano ba 'yan! Wag ka ngang sumigaw!" bulalas ni Lauriane. "Takte lang, Laurianne! Ikaw ang sumisigaw dyan, ehhh!" sabat ni Sam. "Wag ngang epal, Samantha!" "Wag pahalatang taga bundok, ha Lauriane? Uso naman 'yun!" ganti nito. Haayy! Nakakaloka ang mga buang na 'to! Habang pinagmamasdan silang nagtatalong dalawa, naalala ko bigla ang masasayang araw namin ni Eirine. Kahit hindi nagtagal ang pagkakaibigan naming dalawa, mananatili sa puso ko ang memories namin sa loob ng impyernong SEA. Speaking of Eirine, kumusta na kaya siya? Sana kung nasaan man siya ngayon, nasa maayos siyang kalagayan. At hinihiling ko, na sana kapag natapos na ang kanyang suspension at makabalik na sa St. Emilion, manatili pa rin ang aming pagkakaibigan kahit na alam kong malabo iyon, dahil iyon nga ang dahilan kung bakit nawala sa kanya ang kanyang trono. Hays... Wag na muna 'yan ang problemahin mo, Deina Autumn dahil for your information nasa dead list ka ng TM4! Kailangan mong ihanda ang buhay at sarili mo bukas dahil paniguradong makakatikim ka nang walang katapusang kamalasan na ang tanging way lang para makatakas, ay ang pagda-drop out sa SEA, na hinding-hindi mangyayari dahil hindi ko afford na gawin iyon, umabot man sa kamatayan. Bahala na. Bahala na si Batman... Ilang taon ko ring tinalikuran ang masamang gawi, kaya sana naman po, Lord, protektahan niyo po ako sa demonyong nagngangalang Kristoffer Leinard.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD