ACE
"Ang pag ibig daw hindi hinahanap. Kasi the more you seek it, the more na lalayo ito sa'yo."
"Kaya naman pala gurang ka na, wala ka pa ring love life, ano Ace boy? Galing gumanyan, akala mo naman beterano pagdating sa pag-ibig," pang-aalaska ni Chase. Tumaas ang dulo ng upper lip ko dahil lagi niyang sinusupalpal 'yong sinasabi ko. Anong problema niya sa akin?
Naririto kami ngayon sa hideout ng grupo s***h club room. Trip lang naming tawaging hideout kasi trip lang namin. Kailangan pa ba ng explanation?
"Alam mo kahit kailan talaga, bastos 'yang bunganga mo, Chase. Pwede ba manahimik ka na lang? Ano naman kung walang love life? Kesa naman sayo! Kulang na lang magkaroon ka ng sakit sa dami ng babaeng ine-entertain mo!" gigil na ganti ko. Tumikhim ito, binigyan ako ng makahulugang titig, animo'y sinasabi niya na tama ang hula ko.
Humagalpak siya sa tawa noong malaglag ang aking panga. Bwesit na buang na 'to! Kung bakit ba kasi naiwan ako kasama niya, tsk tsk.
Sina Master Yuri at Lei busy sa pag-aasikaso ng mga C.R particularly doon sa babae. Ewan ko kung anong ginagawa nila basta sinisigurado ko na exciting ang mga mangyayari ngayong araw.
"Hanep ka! Joke lang. Wala akong sakit, no! Makapagsabi ka riyan. Kinilabutan ako sa sinabi mo!", "Aba dapat lang! Haha!" wika ko.
Ilang segundo kaming nagpalitan ng tawa hanggang sa natigil na lang ako bigla dahil sa hindi maipaliwanag na kadahilanan, biglang pumasok sa utak ko si Eirine. Sa mga ganitong kaso kasi, kapag nasa hideout kami, kasama rin siya at naglalampungan sila ni Lei sa sofa na kinagigiliwan naman naming panoorin.
"Chase, may balita ka na ba sa ex ni Lei? Nakapagtataka ang pag-alis niya ano? Narinig ko kasi usap-usapan sa faculty na dapat talaga isang linggo lang 'yong suspension niya, tapos bigla na lang ginawang 3 months! Sino namang bugok ang papayag sa gano'n, di ba? Siguro may nagsulsol sa Dean kaya siya napapayag na hindi papasukin nang ganoon katagal si Eirine," bigla kong tanong.
"'Yon nga rin ipinagtataka ko, eh. Sad to say, wala pa ring ibinababang bagong balita tungkol sa kanya. Ni hindi nga in-announce sa public iyon, ano? Na 3 months siyang mawawala? Tayo lang atang apat tapos 'yong sa SESS ang nakakaalam. Ewan ko na lang kung nag-leak na rin ang information tungkol doon. Alam mo naman ang balita, malapad ang pakpak, mas mabilis pa sa wifi dito sa Pinas. Pero, real talk, ang suspicious talaga ng lahat. Kaya hindi matahimik ang kaluluwa ni Lei, eh. Ang ending tuloy, sa best friend ni Eirine bumabawi. Kawawang kaluluw," mahaba nitong lintana.
Tumango ako. Hindi ko alam kung maaawa ako o hindi dahil kung tutuusin, si Deina naman talaga ang rason, pero hindi rin naman niya kasalanan kung mismong si Eirine ang lumapit.
Isinanday ko ang aking likod sa malambot na sofa habang patuloy na hinahayaang maglaro sa aking isipan ang mukha ni Eirine. Itinuring na namin siyang bulaklak ng grupo. Kaya kahit na wala kaming solid na relasyon sa kanya, apektado talaga kami sa biglaan niyang pagkawala sa SEA. Hindi ko alam pero malakas ang kutob ko na hindi lang tungkol sa rules ang nagtulak sa kanya para ma-suspend nang matagal. Ang babaw lang kasi no'n, at saka pwede namang tanggalan na lang siya ng korona pero wag nang i-suspend.
Tsss, mali talaga! For sure, may under the table na nangyari. Once malaman iyon ni Lei, aba kahit ama niya, kakalabanin niya kung ito ay sangkot sa hindi makatarungang pagpapalayas kay Eirine.
"Sarap ng buhay. Sinabi ko bang tumunganga kayong dalawa?" cold na bati ni Lei na kakarating lang. Tatawa-tawang sumenyas si Master Yuri na badtrip na naman daw ito kaya hindi na lang namin sinagot at tumahimik na lang kami ni Chase.
"Grabe naman' to Lei! Kulang pa ba? Eh, halos magasgasan na ang palad ko sa kakahalo ng food color plus gawgaw! Ang lagkit na nga, ohhh!" maarteng reklamo ni Chase. Bumalik na kasi ito sa paghalong muli no'ng pinapa-trabaho sa kanya ni Lei.
"Geh, pwede na ang pasang-awa," cold na sagot nito na mabilis lang na sinilip ang gawa ni Chase.
"Yown! Hahaha, sakit! Sa bahay nga hindi ako pinagagawa ng ganitong klaseng trabaho, ni pagbati ng itlog hindi ko naranasan tapos paghahaluin mo ako ng---"
Hindi na nito natapos ang sasabihin noong balingan siya ni Lei nang masamang titig.
Hahaha! Ulupong! Nagsalita pa kasi ang kumag! Oh, ngayon, isang titig lang tiklop ang dila mo! Daldal kasi!
"May sinasabi ka, Chase?" nakakatakot nitong tanong.
"Huh? Wala...may narinig ka ba, Ace?" maang-maangan nitong tugon sabay tingin sa gawi ko.
"Luh! Wag mo akong idamay, boy, nananahimik ako rito. Itong sa akin, Lei? Mukha na naman siyang tubig, di ba?" tanong ko, tapos proud na ipinakita sa kanya ang aking gawa. Hindi ito sumagot, instead, sumenyas ito na tumayo na kami at ihanda na ang mga props.
"Bilisan niyong kumilos, ayaw kong lalampa-lampa!" mariin nitong utos. Hindi kami pumalag at mabilis na lumayas.
Habang naglalakad patungo sa location ng plano, napailing na lang ako habang iniisip ang kamalasang mangyayari kay Deina.
Tsk, kawawang nilalang. Sa lahat ba naman kasi ng kakaibiganin, si Eirine pa ang natipuhan. Kaya ayan, solo mong sasaluhin ang galit ng broken hearted soulja boy ng St. Emilion!
KRISTOFFER
Bilib din ako sa tapang ng nilalang na 'to at may gana pa siyang pumasok ng SEA ngayong araw kahit na alam niya naman na nasa dead list na ang pangalan niya.
At hindi lang 'yon, dahil nagsama pa siya ng dalawang alipores. Para ano? Akala niya ata papalampasin ko siya porket hindi na siya nag-iisa? Tsss, magpakamatay na lang siya para hindi na siya mahirapan pa.
"Yuri, can I borrow that?" tanong ko bago hablutin ang iniinom nitong gatorade. May laman pa ito at halos kaunti pa lang ang nababawas niya. Habang pinagmamasdan ang bote, iniisip ko na kung ano ang magiging reaksyon nito kapag tumama sa kanyang ulo ang plastic bottle.
"Paniguradong bangs niya lang ang walang latay..." bulong ko. "What are you gonna do with that?" usyosong tanong ni Yuri.
Hindi ko ito sinagot. Pa-cool akong naglakad sa pasilyo patungo sa kinaroroonan ni Deina. Sinadya kong sa likuran dumaan para hindi nila matunugan ang presensya ko.
Noong makalapit na ako sa kanya, sakto lang para masigurado kong tatama ang bote, ay buong lakas kong inihagis ito. Hindi naman ako nagkamali sa pag-asinta dahil ilang sandali lang ay napaupo ito sa sahig nang wala sa oras habang nagpapakawala ng impit na sigaw dahil tumutulo ang laman no'ng bote sa kanyang uniporme.
"What the--sinong? Hoy! Ikaw ba ang bumato kay Deina?!" matapang na sigaw no'ng kasama nito.
Noong magtama ang mata namin, nataranta siya't mabilis na nagsalita.
"Sam, wag! Hayaan mo na lang dahil hindi mo siya kilala," mahinang saway nito, habang buong lakas na pinipigilan ang braso ng kasama niya.
Tsss...bakit hindi ka umiwas ng tingin? Weak!
"Teka, wag mong sabihing siya 'yon? Tell me, Deina. Siya nga ba iyon? Dahil kung oo! Aba! Ang panget na nga ng itsura, maitim pa ang budhi! Saan ka ipinaglihi? Sa sama ng loob ba at ang alam mo lang ay manira ng katahimikan ng ibang tao?! Kung wala kang magawa sa buhay mo, tantanan mo si Dayday!" sita no'ng isa pa na idol ata si Elvis Presley dahil sa oldies na pormahan nito.
Saan ba sila galing? Mukha silang mga taga-bundok! Paniguradong kapag nalaman nila kung sino ang pinagtataasan nila ng boses, luluhod ang ulo nila sa lupa.
"Ahm, Lau, Sam, wag niyo na lang siyang pansinin, please? Tara na---"
Balak niya pang takasanan ako ngayon.
"Ang lakas ng loob mong ituro ako gamit ang daliri mo," mariing bitaw ko.
Patuloy na nakayuko si Deina, habang 'yong dalawang kasama niya ay matapang na nakikipagsukatan ng tingin sa akin.
"Dude, let's go. Mga babae 'yan, baka makita pa tayo ni Aariyah," bulong ni Yuri habang mahigpit na hinahawakan ang braso ko, balak nang hilahin. Alam niya kasing anytime, susugurin ko ang tatlong bibe at kapag nangyari iyon, ang mga susunod na mangyayari ay magiging madugo.
Hindi ako nagbibiro.
Wala akong pake kung babae o lalaki ang kaharap ko. Kapag galit ako, galit ako.
At hindi ako titigil hangga't hindi nasa-satisfied ang aking kamao.
Kung tutuusin, hindi ko naman papansinin ang isang katulad niya kung nilubayan niya lang ang girlfriend ko noon. Siya ang dahilan kung bakit wala siya sa school ngayon, kaya para maging patas, babawiin ko rin ang kalayaan at ang tahimik niyang buhay habang naririto siya sa loob ng SEA. Kahit mag-drop out siya o magtago, magsumbong o ano pa man, hindi ko siya tatantanan. Ipaparanas ko sa kanya ang galit ko hanggang sa mawalan siya ng hangin sa katawan.
"Wag mo ngang titigan ang best friend ko! Lakas ng loob mong umaktong galit, ikaw nga ang nauna! Bakit mo binato
si Dayday?! Akala mo kung sino, sino ka nga bang buang ka!?" sigaw no'ng fan ni Elvis Presley.
Idiniin ko ang dila ko sa aking gilagid dahil sumusobra na ang bunganga ng babaeng ito. Mukhang gusto niyang mawalan ng dila ngayon.
Pumalag ako sa pagkakahawak ni Yuri at lumapit nang mahinahon sa grupo nila. Tinitigan ko nang maigi 'yung palaban na babae tapos sunod sa gawi ni Deina.
Dahil sa gulat, hindi nakaligtas sa akin ang mabilis na pag-iwas niya ng mata at sunod-sunod na paglunok ng laway. She's scared, at dapat lang iyon. Hindi pa nga ako nagsisimula sa laro ko, ganyan na kalala ang takot niya? What more mamaya? I'm sure, magugustuhan niya ang surpresang inihanda ko na maghahatid sa kanya sa akin para lumuhod at magmakaawa mamaya.
"I bet, mga bagong salta kayo rito sa school. Napaka-rude naman kung hindi ako magpapakilala," panimula ko.
"Ako si Kristoffer Leinard Cruz, King of SEA. At sa tanong mo kung bakit ko binato ang kaibigan mo, akala ko kasi basurahan siya. Sa susunod kasi, wag siyang pakalat-kalat at baka mapagkamalan rin siyang basurahan ng iba. Hindi lang bote ng gatorade ang tatama sa ulo niya kapag nangyari iyon," mayabang na tugon ko habang tinutunaw sa titig si Deina.
Sana tumatak sa kokote mo ang bawat salitang sinabi ko, b***h.
"Aba, putangina mo pala!" galit na sigaw no'ng Sam kuno. Susugurin na ako nito ngunit mabilis siyang pinigilan ni Deina.
Ngumisi lang ako habang inilalayo ako ni Yuri sa kanila.
"Sam let's go, hayaan na lang natin siya."
"Hayaan? What the!?"
"Please? Sam, Lau!" mariing pakiusap nito sa kanyang mga kasamahan.
"Pasalamat ka, boy yabang! Kapag nakita ulit kita mamaya, babasagin ko 'yang bungo mo! Pakyu!" gigil na sigaw nito habang buong lakas na kinakaladkad ni Deina. Nag-bad finger din 'yong isa na tinawanan ko lang.
"Haysss! Ngayon pa lang mananalangin na ako na sana'y hindi makarating ito kay Aariyah, Lei," dismayado at kabadong wika ni Yuri. Ngumisi lang ako tapos nagpatianod na rin sa kanyang hila. Habang naglalakad pabalik, sinipat ko ang cellphone sa aking bulsa at agad na dinayal ang number ni Ace.
"Papunta na sila sa C.R, siguraduhin niyong hindi kayo papalpak," ani ko sa kabilang linya tapos ibinaba na rin kaagad ang tawag.
Walang takip ang bote ng Gatorade na binato ko sa babaeng 'yun kaya paniguradong nanlalagkit na siya. Iyon talaga ang balak ko simula pa kanina, ang mapapunta sa restroom si Deina dahil may malaking surpresang naghihintay sa kanya roon.
"Sigurado ka bang gagana ang plano mo? What if malaman ni Aariyah ang nangyari? Paniguradong tepok ka! Hindi ko sasaluhin ang kasalanan mo ngayon, Lei" tatawa-tawang banta ni Yuri.
"Subukan niya lang mangialam, at subukan lang din ng Deina na 'yun na magsumbong. Mas do-doble ang hirap ng parusa na matatamo niya araw-araw kapag nalaman kong kumanta siya sa kay Aariyah o sa kahit sinong member ng SESS," mariing tugon ko habang naniningkit ang mga mata.