Ang buhay ng tao, punong-puno ng walang kasiguraduhan... surpresa, problema. Naniniwala ako na ang kasiyahan, choice din natin iyan. Kahit na nalulunod na tayo sa kaguluhan, hindi na natin malaman kung ano ang ating gagawin, kung nasa mindset na natin na kahit anong mangyari, maging mapagpasalamat tayo... maging masaya tayo, sinasabi ko sa inyo, walang problema ang hindi malalampasan. Sa mura kong edad, marami na akong natutunan, marami nang itinuro ang mundo sa akin. 19 palang ako, sasabak pa lang sa buhay kolehiyo. Siguro marami ang magsasabi na hindi valid iyong mga pinagsasasabi ko dahil ang bata ko pa, marami pa akong kakaining bigas, marami pa akong pagdadaanan na hirap na mas malala pa sa mga pinagdaanan ko. Wala akong palag kung iyan ang sasabihin ng ibang tao sa akin, totoo naman
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


