DEINA Napakabilis na talaga ng panahon ngayon. Parang kakagising mo pa lang, maya-maya ay alas tres na kaagad ng hapon. Normal pa ba ang araw ngayon? O sadya lang masyado akong masaya kaya ang bilis ng oras para sa akin? Apat na buwan na ang nakakalipas pagkatapos ng pakikibaka ko sa kamatayan. Nang makabalik kami sa St. Emilion, sakto no'n magkakaroon ng campaign para sa bagong set ng SESS tapos ng Royal council. Bago matapos ang termino nina Aariyah at Kristoffer sa kani-kanilang pwesto, binago nila ang ilang hindi makatarungangang policy sa student handbook katulad ng popularity pyramid. Tinanggal na nila iyon dahil kung tutuusin, wala namang sense ang bagay na iyon. Lahat naman ay mag-aaral sa school na ito. Mayaman man o scholar, isa lang ang denominator ng dalawa, pare-pareho sil

