LAURIANNE "Hawakan mo ang dibdib ko, ang lakas ng t***k!" wika ko sabay kuha ro'n sa kamay ni Sam at itinapat sa kaliwa kong dibdib. Napangiwi ito sa pandidiri. "Nubayan! May mga tao, sapakin naman kita!" inis niyang asik. "Arte! Parang wala ka namang dede! Ay wala nga pala... hehehehe," sabi ko sa kaniya tapos nauna nang tumakbo. Malawak naman ang pasilyo kaya ayos lang tumakbo nang mabilis nang hindi nagwo-worry kung may mababangga kami. Kasalanan na nila iyon kung tatanga-tanga sila. Kakaunti lang ang nakatambay sa labas dahil iyong iba ay nasa kani-kanilang club room na, nagpa-practice para sa nalalapit na Interhigh. Dalawang araw na lang ang natitira. Excited ako para sa Lunes dahil maraming Fafa akong makikita! Chariz! Kinakabahan talaga ako dahil tapos naman namin ang choreography