KRISTOFFER "Tagal ni Master, ah? Saan naman kaya nagpunta iyon," tanong ni Ace. Nagpaalam kasi kanina sa amin si Yuri na bibili lang ng gatorade. Nagpasabay na rin kami dahil mukhang mapapagod kami sa gagawin ngayon sa PE. Ipagde-demo ba naman sa amin ang anim na swimming style tapos nasa 40 plus kami sa class, so matagal-tagal na hintayan ang magaganap. "3 minutes na lang, baka naman ma-late ang gago. Ang lapit-lapit lang naman ng bilihan," wika ko, medyo naiinis na dahil anong oras na. "Baka sa iba naman dumiretso si Yuri. Di ba malapit lang ang tindahan sa girls dressing room? Hahahahaha! Paniguradong doon pumunta iyon, hinintay na rin siguro sina Deina dahil wala pa nga sila," ani Ace. Iginala ko ang aking paningin at doon napagtanto na wala pa nga sina Aariyah at Deina. Hindi ri