XYRILLE Walang balitang nakakalusot sa akin dahil ako ang Reyna sa paaralang ito. Marami akong mata, marami akong tainga. Hindi man ako magparamdam, hindi ko nami-miss ang kahit anong chismis. "Nandito si Eirine? That pathetic b***h, ano na naman kaya ang kailangan niya sa akin this time? Baka magmamakaawa na siya," nakangiti kong wika habang nakatingin kay Chloe na siyang nagsabi sa akin na nasa labas si Eirine at gustong pumasok. "Okay, papasukin mo't baka mayroon siyang magandang chismis na dala." "You sure Xyrille? She's kinda mad... nakakatakot, baka magwala pa siya rito sa loob tapos ikaw ang mapagbubuntungan ni Kristoffer ng galit kapag naabutan niyang magulo rito." "Wag kang mag-alala, hindi na mambubulabog si Kristoffer dito dahil may bago na siyang pinagkakaabalahan." "Ano

