DEINA Nakakabobo ang logic nito ni Chloe. Saktan ba naman ang sarili para isisi sa akin mamaya iyong sugat niya, eh nakikita naman siya ng mga estudyante. Sinabunutan ko na nga't pilit na inilalayo sa bato dahil ipinupukpok niya iyon sa ulo niya. "Ano? Pagod ka na ba? Muntanga ka. Subukan mong isisi sa akin ang kabobohan mo't ipapakita ko sa iyo kung paano ang tamang pagpukpok ng bato sa ulo." Pinanlisikan lang ako nito ng mata, nakakatakot na ang itsura niya. Hindi ko alam kung maaawa ako o mas lalong maiinis dahil hindi biro iyong sugat na ginawa niya sa kaniyang noo. "DEINA AUTUMN!" Mabilis na sumakop sa sistema ko ang takot noong marinig ko ang pamilyar na boses. Pagkalingon ko, mas lalo akong nanghilakbot. "Bakit nandito... mommy?" Yep, nandito si mommy at kasama niya ang mg

