CHAPTER 73.5

1845 Words

DEINA Matagumpay na naiuwi ako ni mommy. Mag-aalas dose pa lang, tanghaling tapat at nagpapalakasan kami ng boses dito sa loob ng bahay. Wala si Kuya dahil nasa OJT ito, pumasok. Kung nandito lang sana siya, paniguradong hindi aabot sa ganito ang lahat. "MOM! Bakit ba mas naniniwala pa kayo sa salita ng iba kesa sa salita ng sarili mong anak!? Wala akong ginawang masama! Ni hindi ko nga pinagbantaan si Eirine kahit na guston-gusto ko siyang itulak mula sa rooftop!" "Tingnan mo! May ganyan kang balak sa apo ng gobernador?!" "Ma! Ako ang biktima rito. Ako ang nagtitimpi! Kung ayaw niyong maniwala sa akin, tingnan niyo itong sugat ko! Itinnulak ako ni Eirine sa hagdan, nagkaroon ako ng sakit dahil sa tinamo kong tama mula sa pagkakalaglag. Gussto ko siyang gantihan... pero hindi ko ginawa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD