WARNING: VIOLENCE KRISTOFFER Ang dami kong ingay na naririnig. Si Yuri na nagmamakaawa na itigil ko na ang pag-apak sa kaniyang braso, si Eirine na sumisigaw ng tulong at ang mga mag-aaral sa labas ng hindi malaman kung ano ang gagawin. Kung mangingialam o kung mananatili sa kanilang pwesto. Sa lahat ng ingay na pumapasok sa tenga ko, isang boses lang ang pinakikinggan ko, ang nangingibabaw sa lahat... ang galit kong tinig na nagsasabi na tapusin ko silang pareho. "KRISTOFFER!" Dumagundong ang boses ni dad. Kasama niya ang ilang mga guro at inutusan niya ito na kunin ako't ilayo sa dalawa. "Anong nangyayari sa iyo! Alam mo ba ang pinaggagagawa mo, ha!" "Don't touch me," mariing banta ko sa gurong nagtangkang hawakan ang aking braso. "Atupagin niyo 'yang dalawang makasalanan na iyan,"

