XYRILLE "Hahahahaha! Akala ko hindi kakagat sa patibong natin ang isang 'yon, pero mukhang gaya ng inaasahan natin, isa siyang bob0ng nilalang!" Kasalukuyan kaming nagdiriwang ngayon sa loob ng club room habang binabasa ang forms na isinubmit no'ng tatlo. "Sinabi mo pa! Alam mo ba kagabi, habang kinakausap ko siya, hindi maialis a mga mata niya ang labis na pasasalamat dahil inalok ko siyang maging cheerleader, not knowing na magiging water girl lang naman siya," wika ni Diana. "Hahahaha! Ano kaya ang magiging reaksyon niya? Instead of banner ang dadalhin niya, malalamig na bottle ang hahawakan ng kanyang kamay. Hindi naman na siya pwedeng pumalag, mas lalong magwala dahil pinirmahan na niya ang form," ani ko. "True lang! Kapag talaga marami siyang sinabi bukas, kakalat na naman si