DEINA Maaliwalas ang panahon, tamang-tama para sa pagpa-practice ng football team ng St. Emilion. Kakatapos lang ng lunch break at wala na kaming pasok dahil pagbibigay galang 'kuno' sa pagsisimula ng training ng varsity tapos 'yong iba pang lalaban para sa interhigh na gaganapin sa susunod na buwan. Pero ang totoo ay hindi pa talaga sila nag-uusap-usap dahil hanggang ngayon ay absent ang Dean. Baka bukas pa iyon pumasok kaya bukas pa magkakaroon ng proper announcement sa mga mangyayari. Iniisip ko pa lang ngayon, nai-stress na ako. Host na naman kasi ang SEA. Noong last year, naging host na ang school sa interhigh bakit hindi naman nila gawin sa iba? Kapag pa naman dito ginaganap 'yong mga gan'yan, ang daming gagawin, bwesit! "Ipapasa na ba natin 'to, Day?" tanong ni Lau habang nakatuo