TRIGGGER WARNING: SUICIDE **** EIRINE "Bakit di ka mapakali dyan? Anong ginagawa mo?" tanong ni mommy sa akin habang nagiimpake ako ng gamit ko. "I can't contact lolo! Where is he?? I need him right now!" inis kong bulalas. Pinagtaasan niya ako ng kilay. Naka-cross arms ito habang jina-judge ako ng kaniyang mga mata. "At bakit mo naman hinahanap ang lolo mo? Wala siya ngayon, a-attend siya sa supreme court. Hindi niya ba sinabi sa iyo?" "N-No... bakit ngayon pa? B-Bakit hindi ko siya matawagan? I-I need him right now, mom. K-Kapag wala siya rito-- makukulong ako." Napasalampak ako ng upo sa kamma habang sinasabunutan ang sarili. "Anong pinagsasasabi mo? Tuluyan ka na bang nawalan ng bait, ha, Eirine? Anong makulong? May ginawa ka na naman ba? Ano na naman iyon, ha! Ilang beses ko ba

