LAURIANNE "Lakas ko talaga kay Lord. Biruin niyo iyon? Narinig niya kaagad ang panalangin ko? Hahahahaha!" proud kong bulalas habang ine-interrogate ni Aariyah si Xyrille. Siya lang kasi ang walanng sungay sa amin kaya siya iyong gustong kausapin ni Xyrille. Kapag ako kasi ang nakipag-one on one sa kaniya, naku po! Makakarinig lang siya ng sermon mula sa pinakamagandang dilag sa balat ng earth. Kapag din si Samantha ang pinakausap sa kaniya, magbabardagulan lang sila sa loob. "Nyeta siya... siya lang pala ang hinihintay natin. Bakit di pa siya umamin noong una palang? Sarap ding konyatan ang bungo ni Xyrille. Reyna pa 'yan ng SEA, ah! Walang malasakit sa kapwa niya mag-aaral. Di ba siya nagbabasa ng student handbook? Nandoon iyong mga responsibilidad niya bilang Reyna. Palpak ang puta..

