DEINA Naniniwala ba kayo na kapag malapit ang bahay sa school ay asahan mong laging late 'yan? Well, kung hindi pa, maniwala na kayo dahil ako ay kotang-kota na! Ngayon lang naman ako na-late nang sunod-sunod dahil una sa lahat, paepal ang Kuya ko. Pangalawa, bugbog lagi ang katawan ko kapag umuuwi. Pangatlo, hindi kaagad ako nakakapagpahinga dahil 'yong dalawang asungot sa buhay ko, eh, binubulabog pa ako. Ngayon, ang ending. Kung sino pa 'yong nambulabog, sila pa lagi ang early bird. Walanjo 'yan! "Nasaan ka na ba? Dayday? Alas otso na talaga! Late ka na, hoy!" wika ni Lau sa kabilang linya. Hindi ko alam kung concerned siya o ano. "Oo na nga, kakapasok ko lang sa gate. Hindi mo ba naririnig? Tumatakbo na ako! Sa susunod kasi wag na kayong tatambay sa bahay, ah! Ako ang napeperwisyo,