"Siguro upo na lang tayo, ano? Circle na guys, tapos ina-narrate niyo na lang 'yong linya niyo. Ayos lang kahit monotonous, walang emotion na kasama. Basta ang importante, ma-recall niyo iyong mga sasabihin niyo. And, tandaan, kapag nasa unahan na, kailangan niyong ibigay 'yong best niyo, okay? Deina? 'Yong feelings. Alam kong hindi mo kasundo 'yong leading man mo pero bear with it muna, okay?" Wala akong naging palag at hindi rin ako nakailag noong tingnan ako ni Aariyah. Guilty naman ako ro'n, talagang naaapektuhan 'yong acting ko dahil hindi ko nga kasi gusto 'yong mga bwesit na kasama ko sa pag-arte. Kaso wala naman akong choice kung hindi ang lunukin na lang ang pride at idaan na lang sa pagmumura ang lahat para kumalma. Inayos na namin ang upuan, magkakaharap-harap kaming anim. Ka